Eulogy
Sa lahat po ng nagmamahal sa aking anak, salamat po at kayo’y nandito para masamahan kami sa paghahatid kay Niamh sa huling hantungan. Sa lahat po ng nagbigay ng tulong, maraming salamat po.
Nakakalungkot isipin na hindi na natin makikita’t makakapiling si Niamh. Masyadong maaga pero ito ang plano ng diyos para sa kanya. Sa mga naging kaibigan niya, ako’y nagpapasalamat at lagi kayong nasa tabi niya’t patawanin siya. Hindi siya ganoon nagbubukas loob saamin at naiintindihan ko. Naging strikto kami sakanya, pero sana alam niyang para sa ikabubuti niya iyon. Si Niamh ay isang mabait na anak, kaibigan at kapamilya.
Bata palang si Niamh, naging hilig na niya ang pagsayaw. Lagi siyang sumasali sa mga aktibidad sa eskwelahan kung makakasayaw siya. Sa mga kaibigan niyang dumayo na lagi niya nakasama sa mga gimik, salamat ng marami. Kahit sa ganon na maliit na gawain, kahit sandali’y napasaya niyo siya. Tahimik si Niamh pero paminsa’y bumabanat ng ilang jokes. Sabi rin ng kaniyang mga kaibigan, palatawa daw siya. Siya daw yung tipong uupo at makikinig lamang. Iimik nalang kung may komento o kung ano.
Hindi naman siya perfect na anak, kahit papaano may mga pagkakamali din siyang nagawa pero tanggap namin yon bilang magulang niya. Marami akong natutunan sakanya, nalaman ko kung papaano gawin ang ilang bagay na hindi ko malalaman ng walang tulong niya. Pasaway siya bilang anak pero normal lang iyon, nasanay na kami nag ganon siya. Pero mahilig siya bumawi. Bilhan kami ng regalo, may dalang pasalubong pauwi, malaking tulong sa gawaing bahay. Hirapan siya sa pagaaral ay ika nga sabi niya, “Hindi para sa lahat ang pagaaral, pero ginagawa ko ang makakaya ko.”
Kaya anak, salamat at naging totoo ka saamin. Mamimiss ka naming ng sobra pero sigurado kaming papunta ka sa maayos na lugar.
Comments
Post a Comment